Our Story

About Us > Our Story

History

The establishment of a Catholic school in Rosario, Cavite is a great breakthrough, this being the first and the only one in Rosario, Cavite.  Finally, the day has come where everyone can take pride in not just a long-awaited dream but a reality.  SANTO ROSARIO CATHOLIC SCHOOL is now among the 30 parochial schools operating in the entire Diocese of Imus. 

           

The Diocese of Imus, thru the Office of the Superintendent of Diocesan Schools and Director of Catholic Education represented by Rev. Fr. Alain P. Manalo and the Most Holy Rosary Parish represented by the former parish priest, Rev. Fr. Gilberto D. Urubio, were the principal proponents of this project.

 

The formation of SANTO ROSARIO CATHOLIC SCHOOL did not come too easy.  So many gatherings and consultations were held to address the so many concerns at hand—the support from the parishioners, the name of the proposed school, the education programs to be offered, the creation of the parochial school council, compliance with government requirements, construction of building & completion of facilities, the school fees, and the hiring of academic & non-academic personnel, among others.  The presence of other impediments slowed down the already fleeting time remaining to complete the tasks ahead of us.

 

Ang Sagisag ng Santo Rosario Catholic School, Inc.

Ang ISDA ay kumakatawan sa bayan ng Rosario na kung saan ang nakagisnang kabuhayan ay pamamalakaya.  Ang isda rin ay kumakatawan sa Simbahan.  Noong unang siglo, ginamit ng mga Kristiyano ang isda bilang lihim na tanda ng kanilang pagiging kasapi sa Simbahan.  Ang isda sa salitang Griyego ay ICHTHUS.  Ang  limang letra nito ay pinakahulugan bilang “HesuKristo, Anak ng Diyos, Tagapagligtas” (Iesous Khristos, Theou Huios, Soter).

 

Kagat-kagat ng isda ang isang ROSAS na simbolo naman ni Maria bilang Birhen ng Rosario.  Ang rosas ay mapula, mabango, sariwa, at may tinik – katulad ng mga misteryo ng rosaryo ng Birhen.  Ang isda ay may kagat-kagat na rosas, kung gayon, ay ang mananampalatayang taga-Salinas (Rosario, Cavite) na may malalim na debosyon sa Birhen ng Santo Rosario.  Itinatakda nito ang pagkakilanlan ng paaralan: ang SANTO ROSARIO CATHOLIC SCHOOL ay unang-una, isang sambayanang Kristiyano sa bayan ng Rosario, Cavite na may matimyas na pag-ibig kay Maria, Birhen ng Santo Rosaryo.

 

Sa likod ng rosas ay may isang HUGIS BILOG NA KULAY DILAW.  Bilog kaya’t walang simula at walang hangganan; at kumikinang, nagliliwanag.  Simbolo ito ng kaalaman at karunungan na siyang katuturan ng pag-iral ng isang paaralan.  Ngunit higit dito, sagisag ito ng Diyos, ang sukdulan ng lahat ng kaalaman at karunungan, bukal ng biyaya at pagpapala – ni Maria (ang rosas) at ng Simbahan (ang isda).  Ang isdang may rosas ay nakatingala sa liwanag.  Ang Santo Rosario Catholic School ay ang sambayanang Kristiyano kasama si Maria na umiiral laan sa kaalaman at karunungan, at higit dito, sa Diyos.

 

Ang LAMBAT ay sagisag pa rin ng bayan ng Rosario.  At mula langit ang lambat na nasa simbolo.  Nasasaklaw ng lambat ang isda.  Ang Santo Rosario Catholic School, kung gayon, ay nasa lambat na mula sa itaas.  Ang kalangitan rin ang kanyang pinapangarap at pinananabikan.

Nasa likuran ang LANGIT, BUNDOK, at DAGAT – ang daigdig na siyang konteksto ng pag-iral ng paaralan.

 

Hinugis ang sagisag kamukha ng kwadro ng patrona ng bayan – ang Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.  Nasa ibabaw ito ng isang BANGKA NA NAGLALAYAG SA MAALONG DAGAT.  Tanda ito ng paglalakbay ng paaralan at ng sambayanan sa buhay na maraming walang kasiguruhan.  Ang mga DAHONG LAUREL sa magkabilang tabi ay sagisag ng kagalingan o excellence - na lagi nang hangad ng bawat isang paaralan.

Nangingibabaw sa sagisag ang mga kulay pula, bughaw, at ginto – mga kulay ng larawan ng patrona.  Ngunit ang opisyal na kulay ng paaralan ay maharlikang bughaw (royal blue) at ginto – mula sa manto ng Birhen.

 

Nakaukit sa bangka ang mga salitang Latin, “DUC IN ALTUM”.  Ito ay mula sa Ebanghelyo ni San Lukas (kabanata 5, talata 4).  Makaraan ang bigong pangingisda nang magdamag nina Simon (Pedro), sinabi ni Jesus sa kanila: “Duc in altum.”  “Put out into the deep.”  “Pumalaot at doon ihulog ang lambat upang makahuli.”  Ito ang diwang gumagabay sa Santo Rosario Catholic School:  “Mangisda” hindi sa pangpang, hindi sa mababaw kundi sa malalim, sa laot, “Duc in altum!” – sa laot ng kaalaman, karunungan, kakayahan, at kagalingan.  Duc in altum:  ito rin ang umaalingawngaw na aral sa pagsalubong sa ikatlong milenyo ni Santo Papa Juan Pablo Ikalawa na tinanghal na santo ng Simbahan noong 2014, taon ng pagkakatatag ng paaralan – na nakapinta rin sa bangka sa numerong Romano, MMXIV.